Biyernes, Hunyo 10, 2011

Pag-ikot ng Roulette sa Casino?Ü


I-eedit ko pa sana pero tinamad ako. Isipin ko na lang na may caption. Font: Arial ; Color: White ; Size: 16 ; Text: Tanginang buhay 'yan.

Anyway, credits kay kadyot.blogspot.com sa pag-shashare sakin ng link. http://www.collegehumor.com/picture/6428422

First day. Wala pa naman akong problema sa mga guro na nakita ko ngayon. Wow, akalain mo yun. :))

Physics sa umaga. Petiks-petiks. Pwede daw magdala ng laptop kung gusto mo dun mag notes. Wele dew seye problema dun. Wow, bagets si Sir. Asensado sa teknolohiya. Open-minded kumbaga. Ayaw ko lang sa kanya, Sir, paulit-ulit? Unli tayo?

Values. Mahinhin. Mabait daw sabi ni Kuya. Madaldal daw siya. Christian Living na daw. E sus, pakita lahat ng studyante tunay na kulay, baka kahit Living e, wit na.

Filipino. Same old, same old. Apat na index card. Malupit na pagfoforge ng pirma.

TLE. Kakaiba. Parang si Sir, laging kumbaga, naka-gameface. 'Di yung parang si Pooh. Sa kanya, as in serious face. Kamusta naman pagisa-isa sa problema sa mundo, sir?

AP. Adviser ni Kuya dati. Mabait daw, pero strict. Tapos sabi rin ni Kuya, madali lang daw Eco. Sa kanya ko na lang pala ipapagawa assignment ko. :))

Math. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Tignan na lang ang isinulat ni kadyot.blogspot.com sa kanya. HAHAHAHAHA. Lagi sa right side nakatingin. Dami boylet e.

English. Okay lang. Mejo magkamukha sila ni Values. Parang hirap tuloy ako idistinguish kung iniimagine ko lang.

Sa mga kaklase ko naman: Eto lang. Ang corny niyo. Hahaha.

Dadagdagan ko na lang pag may nasa mood ako manglait.

:)) Hanggang sa muli.

Huwebes, Abril 14, 2011

Pag-ikot ng electrons sa kanilang orbit?

Kakahiga ko pa lang, ginising na ko, para ihatid sina Kuya sa airport. Ayun, isang linggo silang wala. Pag-aari ko ngayon ang crappy na internet connection. Walang kokontra kung trip ko mag-download.

Pauwi, nakatulog. Bumili ng Pancake sa Jollibee. Kakainin ko na sana pag-uwi, kaso nabadtrip ako. 'Yung mga djklsakldjask na born-again 'dun malapit sa'min, ang ingay nanaman. Kaya sa kwarto na lang ako kumain. Pota.

Natulog ulit ako. Ginising ako para itanong kung ano oras aalis para kunin 'yung card. Sabi ko 2:30. 2:00 na pala. Haha.

Anyway, may naisip ako. Nung panahon kaya nina Bonifacio, 'di ba pag magiging member ka ng Katipunan, dapat mag-dadala ka pa ng dalawa na irerecruit mo?

***

"Domingo, na-recruit ako sa Katipunan," sambit ng aking Erpats.

"Talaga, tay?"

"Ay, hinde. O ano, sama ka sakin?"

Hindi na ko nag-dalawang isip. Pag nasa Katipunan ka kasi 'nun, "cool" ka na.

At ayun nga. Nasama ako. Paano, kailangan ko mag-recruit ng dalawa pa. Nag-isip ako.

Sa totoo lang, hindi pa ko ganap na lalaki. Eh, kasi, 'di pa ko na-aano, kwan, 'yung may ano... e, basta. Sensitive at touchy sa'kin ang topic na 'yun. Alam mo na 'yun. Kaya ngayong nasa Katipunan na ko, maskulado na ko. Isa na kong TNL!

Habulin ka rin ng chix pag nasa Katipunan ka. Alam mo 'yun, naglalakad ka lang sa kalsada, biglang may lalapit sayo, "Pantay ba abs mo?", "Sa likod, may abs ka rin ba?", "Ilang push-ups kaya mong gawin isang kamay lang?", at kung anu-ano pa.

Back to the topic. Sino kaya irerecruit ko? GM ko na lang.

'gud AM.

Kung gus2 u mging ktipunan, may 2 slots available p. loadan u n lng me ng 30 pra mkpg superunli ako at mkpgusap tau.

GM >>>,!d0MiNgo3 #17!,<<<'

***

 
Para may mapost lang ako. Pasensya na kung corny. :)) Sadyang I was born this way.

Lunes, Abril 11, 2011

Pag-ikot ng Carousel sa Star City?ü

Pinag-isipan ko kung sasama ako sa Star City o hinde. Tinatamad ako, pero gusto ko. Pero ayun, dahil pinayagan naman, pumunta na rin ako. Tutal, first time ko pa lang naman makakapunta sa Star City.


Ayun. Maaga umalis ng bahay. Mga 11:40, 'yun nga lang, nakalimutan ko sabihin kay Kuya na sarado pa 'yung Dapitan, nakatulog kasi ako nung may nasiraan, tagal e. Hehe. At meron pa nga palang letseng nasiraan sa Monumento. Kaya mga 12:40 na rin nakarating. Pota.


Pagkapunta ko sa upper level ng Jollibee, ako'y napa-wiw sa bagong get-up ni Pola Vee. Wew. Nakalugay. Mas masarap ang Coke Float ng McDo. Pinagpustahan namin ni Pola kung nakapalda o nakashorts si Malas. Sayang, parehong shorts ang pusta namin. Ayun, tumuloy kami sa Aqui Room.


Nag-lalayout si Malas (nakashorts). Tapos na daw kanina, kaso dahil sa kung anu-ano pang shit, kailangan niya ulitin. Reklamo ulit siya, akala niya madali lang daw, pero mahirap daw talaga. Antay onti, tapos Joyride na. Waley aircon.


Mejo matagal ang byahe, may mga awkward na dead-air. Haha. Kahit na sanay ako sa mahabang byahe, 'di ko alam ba't nasusuka na ko 'nun. Ampness. Baka siguro dahil kami 'yung nakatalikod. Ewan, basta, masusuka na ko.


Pag-kita namin sa patusok na ewan, na-excite na kami. At ako naman, makakasuka na rin! Kaso, 4 pa 'yung bukas. Potashet naman. E 'di naman siguro kami pwede mag-pagabi, kaya nag-isip na lang kami kung saan pa pwede pumunta.


MoA [ ] - 'di daw pwede, malayo, pero malapit lang.
Megamall [ ] - layo.
Luneta Park [ ] - hahaha. basta may naisip ako gawin 'jan kaya ko nasabi.
EK [ ] - layo.
TriNoma [X] - pwede na.


TriNoma na nga. Malayo, nasusuka na talaga ako, shet. Buti na lang may candy ako. Nag-laro ng pitik bulag, pitsa pitsa pay, at kung ano pang kalokohan.


Pag-baba namin, tinanong ko si Pola, "Nasusuka ka ba?"
Oo daw.


Akala ko ako lang 'yung may kakaibang nararamdaman, baka oras ko na. Pero 'di naman pala.


Sine. Nag-hanap ng kahit anong mapapanuod. Kahit ano basta nasa oras. Ayun nga, Ghost Ship. Bumili ng pagkatagal-tagal na House Fries. Nag-patatatasan muna siguro sila. Kaya antagal.


May tumili. May napa-WTF. May 'Ano daw?' Paulit-ulit na mga scene. Tinitipid 'yung pera, amp. Kaya paulit-ulit na lang.


Natapos nun, wala, uwian ney.


Baka may ipopost pa ko. Baka lang.

Miyerkules, Marso 30, 2011

Pag-shade mo sa exam sa Values at Chem kung saan pabilog ang ishashade mo?

Guro Special!

Pagkain sa menu, ampotek.

Day 2 na ng bakasyon. Nais ko muling balikan ang aking huling araw sa loob ng aking silid-aralan. Kung kailan ito ang tamang oras para sa mga hebigat na drama.

Si: Ironman, nakasimangot pa rin. Mukhang najejerbs. 'Di pa rin nag-plaplantsa ng damit.

Si: ChocoChip, absent. As usual, 'di ko maisip kung paano naging head teacher 'yun, eh ang tamad tamad. Baka binola niya rin yung mga admin sa kanyang mga 'kwentong barbers'. O baka naman sadyang matanda lang kasi siya.

Si: White Chicks, okay lang. Wiw. Magaling magturo. Foundation galing sa pulbo sa Krinkles (?).

Si: Pooh, cute. Masarap titigan.

Si: Bangs, okay lang. 'Di ko rin maisip kung Pedophile ba, o sadyang nakiki-bagets lang sa mga menor de edad na lalake.

Si: sirgucciDASHustDOTwebstartsDOTcom, okay lang rin. Nagegets ko naman. 'Di nagagalit kahit maingay. Considerate. Sana siya ulit teacher ng 4th year sa TLE. Napapansin ko kasi, kapag dumadaan kami papuntang Computer Lab, 'yung guro ng mga 4th year 'dun sa kabilang kwarto, mukhang masunget.

Si: Ipis, no comment, joke lang. Sinumpa kong guro. Isang kahihiyan 'di lamang sa mga kapwa niya guro, ngunit pati na rin sa mga kababaihan. Eto 'yung mga taong 'di na dapat binigyan pa ng pagkataon mabuhay, o kaya naman pinagplanuhan pa lamang. Para akong diyos dahil sa sinabi ko na yon, pero, sadyang.. kaya nagkakaganito ang mundo. maraming bata ang hindi nabibigyan ng tamang edukasyon, ang bullshit ng music natin ngayon (see: Friday - Rebecca Black), dahil sa taong katulad mo! E siguro, produkto din ng failed abortion. Isipin ko muna paano ka pinanganak. Shet, ipis ka nga pala.

Si: Nanay ni Cali, ayus lang. 'Di ko alam ba't ang daming galit dun.

Dadagdagan ko na lang pag nagka-net na kami. Wiw. ü

Lunes, Marso 28, 2011

Pag-bilog ng mga imbestigador sa mga naiwang kung anu-ano pang shit sa krimen?

Nag-exam sa Math at Values. Math, okay lang. Values, ewan. Nakakaasar nga lang, pinapareview pa 'yung sagot mo sa exam, kung no erasures naman. Sinayang mo lang brain cells mo.

Nakakaasar si Pukehontas sa likod ko. Nagbabasa lang ng tanong, 'di ba pwede na tahimik mo lang basahin? Hay, tutal produkto ka naman ng failed abortion, sinubukan ko na lang intindihin. Grabe. Na-challenge ang patience at ang kontrol ko sa sarili. At mabuti naman, nag-wagi ako laban sa aking sarili rin. Wiw. :|

Ahh, shet, isang araw na lang! Kingina naman yang reservation fee na 'yan. Alam ko mag-papareserve ka lang kung ibang araw ka mag-eenroll e. Mag-fofourth year na nga kami, tatanggap pa kayo ng transferee? Sa'n niyo ilalagay yan? Kung alam niyo lang, ang sikip ng cafeteria. Tutal, magkakapareho naman tayo mukhang pera. Pero pag-peperahan niyo naman kami, wag magpahalata. Magbigay ng valid reason para reasonable. Obvious. Hihi. ü

Tinatamad na ko. Tsaka ko na lang i-eedit. Pati 'yung iba. Ü

XOXO,
Bogs ♥ ü

Sabado, Marso 26, 2011

Pag-suot mo ng sinturon?

Ang daming nasasayang na oras. Nagtititigan kayong magkakatropa. Naglolokohan. Pero alam mo, lahat kayo gusto umuwi na. Wala naman ginagawa. Sadyang napag-tripan lang kayo ng mga Admin.

Ang daming nasasayang na oras. Nakagawa na siguro 'yung mga nasayang na oras na yun ng isang linggo. Siguro, kung imbis na nakatunganga lang kami 'dun, baka may gamot na tayo sa kanser kung hindi naman, wala. Wala lang talaga.

Teka. Mag-eedit muna ako ng video.

Miyerkules, Marso 23, 2011

Pag-spin mo sa Erlenmeyer flask sa Titrate experiment?

Eto, imbis na nag-aaral sa History, nag-bloblog ako. Wala kasi akong handouts, meron naman, naiwan ko lang sa locker, naka-ipit kasi 'dun sa History notebook na hindi ko inuwi. Bahala na, nasa ikot na lang ng mundo nakasalalay tadhana ko sa exam sa punyetang World History bukas.

Bakit ang mahal ng bilihin sa cafeteria? Dahil ba sa VAT?

Hindi naman. Kasi kahit itaas nila, may papatol pa rin. E paano, kesa naman magutom sila. Coke in can, 30. Ulam na 'di naman masarap, na may kanin na mediocre lang, 60.

Napipilitan tayong bumili kasi hindi tayo pinapayagan lumabas. Minonopolize (wow, may ganun.) nila. 'wag kang bumili dahil ang mahal, bahala ka magutom. Paano ka naman mag-bubudget, wala ka naman ibang bibilhan. Try mo landiin 'yung mga waiter/waitress, baka matawaran mo.

Wala naman akong problema sa hindi pag-pansin kapag bumibili. Basta nasa strategic position ka lang. Kumbaga sa Cartesian Plane, sa point of intersection.

As usual, may isang minor subject na nag-papaka major subject kung magpabigay ng ginagawa. Sus. Tanginasyetka. Kala mo naman ang importante ng tinuturo.

Anyway, back to topic tayo. So, ano solusyon sa problema sa ating cafeteria? Food strike! Hehehe. Asa naman ako. Hay, buhay, ba't ang hirap mo bigyan ng kulay? Gusto ko #FF3399, pwede rin #66CCFF. 'Di ko imbento 'yan, hekskyusmi.

Tinatamad na ko. Tiwala na lang bukas. Tiwala lang. Sana makachamba.

Lunes, Marso 21, 2011

Pag-sulat mo ng letter "O" pag ika'y nagmamadali?

Maligayang pagbati. Hindi mo ko kilala, at hindi rin kita kilala.
 
Pero 'jan nag-sisimula ang pag-tuklas natin sa isa't-isa.

Award-winning ang power ng aking feelings, pwede ng pang-Quiapo. Planado ko na ang daan na aking tatahakin sa buhay, gagamitin ko ang lahat ng natutunan ko sa hayskul, para naman hindi sayang ang pagkamahal-mahal kong tuition fee, kahit 'di ako ang nagbabayad. Hihi.

Tamad ako, kaya baka bukas ko na lang 'to muling ayusin at mag-dagdag pa. May gagawin pa ako sa TLE. Matagal na ang deadline pero ngayon pa lang ako magpapasa.

Biyernes, Marso 18, 2011

Paano ang pag-ikot ng tubig pag flinush mo ang toilet bowl?

Isang sexist. Maliliit na bagay, pinapalaki.
Tamad. (Ayaw tulungan ang treasurer na maningil. Sana matagal na niyang ginawa ang pag-miminus sa mga hindi nagbabayad. Ang secretary ang pinagpapasulat ng notes o course outline para daw "mabantayan" niya kami kung kumokopya o hindi. Kung "binabantayan" niya pala, bakit wala akong notes?, etc.)
Laging nakasimangot. Ang liit ng ulo, pero ang taba ng katawan. Green peas? Sinungaling. Magbibigay daw ng oras. Tss. "Supportive" sa project. 'Di makapagbigay ng perfect grade sa essay. May gusto siyang sagot? Ang alam ko essay, sarili mong idea at opinyon e. Hindi rin dapat binabase ang grade na ibibigay dito sa taong nag-sulat. Ano ba gusto niya para ma-perfect niya 'yung essay? Siya kaya pagsulatin namin para makakita naman kami ng mind-blowing essay. Ang laking pag-papahalaga sa homeroom. Bwiset. Hindi rin pwede maging productive sa klase niya. Hindi pwede gumawa ng ibang bagay na tulad na lang ng class magazine na output rin naman sa projects niya kung may ina-announce siyang mga tatlong beses lang rin naman niya uulitin. Tapos uulitin niya ulit 'yun bago mag end 'yung period. 'Di niya siguro alam bakit nakahiwalay ang mata sa tenga. Kalahati ng mukha niya, ilong. Magpapa-quiz o periodical test, kailangan nag-aral ka. Imememorize mo. Bakit, gagamitin mo ba 'yun pag nag-graduate ka na? More on application na lang sana, punyeta. Kaya 'di ko sineseryoso subject mo e. Bullshit.


Kilala mo na siguro kung sino 'to.
Itago na lang natin sa pangalang 'Ironman'.


Wala ako sa kundisyon mag-isip ngayon. Tinatamad e.