Huwebes, Abril 14, 2011

Pag-ikot ng electrons sa kanilang orbit?

Kakahiga ko pa lang, ginising na ko, para ihatid sina Kuya sa airport. Ayun, isang linggo silang wala. Pag-aari ko ngayon ang crappy na internet connection. Walang kokontra kung trip ko mag-download.

Pauwi, nakatulog. Bumili ng Pancake sa Jollibee. Kakainin ko na sana pag-uwi, kaso nabadtrip ako. 'Yung mga djklsakldjask na born-again 'dun malapit sa'min, ang ingay nanaman. Kaya sa kwarto na lang ako kumain. Pota.

Natulog ulit ako. Ginising ako para itanong kung ano oras aalis para kunin 'yung card. Sabi ko 2:30. 2:00 na pala. Haha.

Anyway, may naisip ako. Nung panahon kaya nina Bonifacio, 'di ba pag magiging member ka ng Katipunan, dapat mag-dadala ka pa ng dalawa na irerecruit mo?

***

"Domingo, na-recruit ako sa Katipunan," sambit ng aking Erpats.

"Talaga, tay?"

"Ay, hinde. O ano, sama ka sakin?"

Hindi na ko nag-dalawang isip. Pag nasa Katipunan ka kasi 'nun, "cool" ka na.

At ayun nga. Nasama ako. Paano, kailangan ko mag-recruit ng dalawa pa. Nag-isip ako.

Sa totoo lang, hindi pa ko ganap na lalaki. Eh, kasi, 'di pa ko na-aano, kwan, 'yung may ano... e, basta. Sensitive at touchy sa'kin ang topic na 'yun. Alam mo na 'yun. Kaya ngayong nasa Katipunan na ko, maskulado na ko. Isa na kong TNL!

Habulin ka rin ng chix pag nasa Katipunan ka. Alam mo 'yun, naglalakad ka lang sa kalsada, biglang may lalapit sayo, "Pantay ba abs mo?", "Sa likod, may abs ka rin ba?", "Ilang push-ups kaya mong gawin isang kamay lang?", at kung anu-ano pa.

Back to the topic. Sino kaya irerecruit ko? GM ko na lang.

'gud AM.

Kung gus2 u mging ktipunan, may 2 slots available p. loadan u n lng me ng 30 pra mkpg superunli ako at mkpgusap tau.

GM >>>,!d0MiNgo3 #17!,<<<'

***

 
Para may mapost lang ako. Pasensya na kung corny. :)) Sadyang I was born this way.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento