Huwebes, Abril 14, 2011

Pag-ikot ng electrons sa kanilang orbit?

Kakahiga ko pa lang, ginising na ko, para ihatid sina Kuya sa airport. Ayun, isang linggo silang wala. Pag-aari ko ngayon ang crappy na internet connection. Walang kokontra kung trip ko mag-download.

Pauwi, nakatulog. Bumili ng Pancake sa Jollibee. Kakainin ko na sana pag-uwi, kaso nabadtrip ako. 'Yung mga djklsakldjask na born-again 'dun malapit sa'min, ang ingay nanaman. Kaya sa kwarto na lang ako kumain. Pota.

Natulog ulit ako. Ginising ako para itanong kung ano oras aalis para kunin 'yung card. Sabi ko 2:30. 2:00 na pala. Haha.

Anyway, may naisip ako. Nung panahon kaya nina Bonifacio, 'di ba pag magiging member ka ng Katipunan, dapat mag-dadala ka pa ng dalawa na irerecruit mo?

***

"Domingo, na-recruit ako sa Katipunan," sambit ng aking Erpats.

"Talaga, tay?"

"Ay, hinde. O ano, sama ka sakin?"

Hindi na ko nag-dalawang isip. Pag nasa Katipunan ka kasi 'nun, "cool" ka na.

At ayun nga. Nasama ako. Paano, kailangan ko mag-recruit ng dalawa pa. Nag-isip ako.

Sa totoo lang, hindi pa ko ganap na lalaki. Eh, kasi, 'di pa ko na-aano, kwan, 'yung may ano... e, basta. Sensitive at touchy sa'kin ang topic na 'yun. Alam mo na 'yun. Kaya ngayong nasa Katipunan na ko, maskulado na ko. Isa na kong TNL!

Habulin ka rin ng chix pag nasa Katipunan ka. Alam mo 'yun, naglalakad ka lang sa kalsada, biglang may lalapit sayo, "Pantay ba abs mo?", "Sa likod, may abs ka rin ba?", "Ilang push-ups kaya mong gawin isang kamay lang?", at kung anu-ano pa.

Back to the topic. Sino kaya irerecruit ko? GM ko na lang.

'gud AM.

Kung gus2 u mging ktipunan, may 2 slots available p. loadan u n lng me ng 30 pra mkpg superunli ako at mkpgusap tau.

GM >>>,!d0MiNgo3 #17!,<<<'

***

 
Para may mapost lang ako. Pasensya na kung corny. :)) Sadyang I was born this way.

Lunes, Abril 11, 2011

Pag-ikot ng Carousel sa Star City?ü

Pinag-isipan ko kung sasama ako sa Star City o hinde. Tinatamad ako, pero gusto ko. Pero ayun, dahil pinayagan naman, pumunta na rin ako. Tutal, first time ko pa lang naman makakapunta sa Star City.


Ayun. Maaga umalis ng bahay. Mga 11:40, 'yun nga lang, nakalimutan ko sabihin kay Kuya na sarado pa 'yung Dapitan, nakatulog kasi ako nung may nasiraan, tagal e. Hehe. At meron pa nga palang letseng nasiraan sa Monumento. Kaya mga 12:40 na rin nakarating. Pota.


Pagkapunta ko sa upper level ng Jollibee, ako'y napa-wiw sa bagong get-up ni Pola Vee. Wew. Nakalugay. Mas masarap ang Coke Float ng McDo. Pinagpustahan namin ni Pola kung nakapalda o nakashorts si Malas. Sayang, parehong shorts ang pusta namin. Ayun, tumuloy kami sa Aqui Room.


Nag-lalayout si Malas (nakashorts). Tapos na daw kanina, kaso dahil sa kung anu-ano pang shit, kailangan niya ulitin. Reklamo ulit siya, akala niya madali lang daw, pero mahirap daw talaga. Antay onti, tapos Joyride na. Waley aircon.


Mejo matagal ang byahe, may mga awkward na dead-air. Haha. Kahit na sanay ako sa mahabang byahe, 'di ko alam ba't nasusuka na ko 'nun. Ampness. Baka siguro dahil kami 'yung nakatalikod. Ewan, basta, masusuka na ko.


Pag-kita namin sa patusok na ewan, na-excite na kami. At ako naman, makakasuka na rin! Kaso, 4 pa 'yung bukas. Potashet naman. E 'di naman siguro kami pwede mag-pagabi, kaya nag-isip na lang kami kung saan pa pwede pumunta.


MoA [ ] - 'di daw pwede, malayo, pero malapit lang.
Megamall [ ] - layo.
Luneta Park [ ] - hahaha. basta may naisip ako gawin 'jan kaya ko nasabi.
EK [ ] - layo.
TriNoma [X] - pwede na.


TriNoma na nga. Malayo, nasusuka na talaga ako, shet. Buti na lang may candy ako. Nag-laro ng pitik bulag, pitsa pitsa pay, at kung ano pang kalokohan.


Pag-baba namin, tinanong ko si Pola, "Nasusuka ka ba?"
Oo daw.


Akala ko ako lang 'yung may kakaibang nararamdaman, baka oras ko na. Pero 'di naman pala.


Sine. Nag-hanap ng kahit anong mapapanuod. Kahit ano basta nasa oras. Ayun nga, Ghost Ship. Bumili ng pagkatagal-tagal na House Fries. Nag-patatatasan muna siguro sila. Kaya antagal.


May tumili. May napa-WTF. May 'Ano daw?' Paulit-ulit na mga scene. Tinitipid 'yung pera, amp. Kaya paulit-ulit na lang.


Natapos nun, wala, uwian ney.


Baka may ipopost pa ko. Baka lang.