Miyerkules, Marso 23, 2011

Pag-spin mo sa Erlenmeyer flask sa Titrate experiment?

Eto, imbis na nag-aaral sa History, nag-bloblog ako. Wala kasi akong handouts, meron naman, naiwan ko lang sa locker, naka-ipit kasi 'dun sa History notebook na hindi ko inuwi. Bahala na, nasa ikot na lang ng mundo nakasalalay tadhana ko sa exam sa punyetang World History bukas.

Bakit ang mahal ng bilihin sa cafeteria? Dahil ba sa VAT?

Hindi naman. Kasi kahit itaas nila, may papatol pa rin. E paano, kesa naman magutom sila. Coke in can, 30. Ulam na 'di naman masarap, na may kanin na mediocre lang, 60.

Napipilitan tayong bumili kasi hindi tayo pinapayagan lumabas. Minonopolize (wow, may ganun.) nila. 'wag kang bumili dahil ang mahal, bahala ka magutom. Paano ka naman mag-bubudget, wala ka naman ibang bibilhan. Try mo landiin 'yung mga waiter/waitress, baka matawaran mo.

Wala naman akong problema sa hindi pag-pansin kapag bumibili. Basta nasa strategic position ka lang. Kumbaga sa Cartesian Plane, sa point of intersection.

As usual, may isang minor subject na nag-papaka major subject kung magpabigay ng ginagawa. Sus. Tanginasyetka. Kala mo naman ang importante ng tinuturo.

Anyway, back to topic tayo. So, ano solusyon sa problema sa ating cafeteria? Food strike! Hehehe. Asa naman ako. Hay, buhay, ba't ang hirap mo bigyan ng kulay? Gusto ko #FF3399, pwede rin #66CCFF. 'Di ko imbento 'yan, hekskyusmi.

Tinatamad na ko. Tiwala na lang bukas. Tiwala lang. Sana makachamba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento